-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Isinailalim na sa State of Calamity ang lungsod ng Kidapawan.
Dulot ito nang patuloy na paglobo ng mga nasawi at nagpositibo sa Coronavirus Disease o Covid 19 sa bansa.
Sa katatapos na sesyon ng Sangguniang panlungsod sa Kidapawan City sa pangunguna ni Vice-Mayor Jivy Roe Bombeo ay nagkasundo ang mga City Councilors na magdeklara ng State Of Calamity
Ang State of Calamity sa Kidapawan City ay pinaboran naman ni Mayor Joseph Evangelista.
Gagamitin ang 30 percent ng Quick Response Fund ng City Government ng Local Disaster Risk Reduction and Management Fund na nagkakahalaga ng P6,555,000.00 para sa mga programa upang labanan ang COVID-19.
Sa ngayon ay naka-pre-emptive lockdown ang probinsya ng Cotabato at nanatiling Covid 19 free.