Reading Time: 1 minute

Marami pa rin umanong NBA teams ang nag-aambisyong makuha ang serbisyo ng NBA superstar na si Kevin Durant.

ito ay sa kabila nang tinamo nitong injury sa Achilles sa NBA Finals.

Magtatapos na ang kontrata ni Durant sa Warriors sa katapusan ng buwang ito kaya naman usap usapan ang pagpasok niya sa free agency.

Lumutang ngayon ang isyu na kahit man short term o long term pa ang injury ni Durant ay interesado pa rin ang ilang teams na alukin ito ng maximum contract.

Ilan aniya sa mga teams na ito ay Los Angeles Lakers, Clippers, New York Knicks, Brooklyn Nets at maaring iba pa.

Pero nitong araw tiniyak naman ng management ng Warriors na gagawin nila ang lahat para hindi maagaw ng ibang teams sina Durant at Klay Thompson.