Cristiano Ronaldo
Cristiano Ronaldo/ IG post

Hindi pa rin natatapos ang imbestigasyon sa rape allegation laban kay football star Cristiano Ronaldo.

Kasunod ito ng lumabas na usapin na iniurong na ng complainant na si Kathryn Mayorga ang civil case na isinampa sa korte ng Nevada.

Nilinaw naman ng abogado ni Mayorg na si Larissa Drohobyczer, na kaya nila inilipat ang kaso sa state court sa federal court ay para madaling makasuhan ang sinumang naninirahan sa ibang bansa.

Dagdag pa nito na lumipat lamang sila ng venue ng pagsampa ng kaso at hindi ang pag-atras sa kaso.

Base sa reklamo ni Mayorga, ginahasa siya ni Ronaldo sa Las Vegas hotel room noon pang 2009.