LAOAG CITY – Umabot na sa 134 ang bilang ng kaso ng covid-19 sa probinsya ng Ilocos Norte matapos maitala ang apat na bagong kaso.
Base sa inilabas na statement ng provincial governmet ng Ilocos Norte, si IN-C135 ay isang babae na 20-anyos, residente ng Brgy.5 sa siudad ng Laoag at may travel history sa Metro Manila habang si IN-C136 ay isang lalaki na 34-anyos, APOR at residente ng Brgy. Baligat sa siudad ng Batac ngunit nanggaling sa Jolo, Sulu.
Samantala, si IN-C137 babae na 63-anyos, returning overseas Filipino mula Kuwait at residente ng Brgy. Dariwdiw sa siudad ng Batac habang si IN-C138 ay 34-anyos na lalaki, locally stranded individual mula Urdaneta City, Pangasinan at residente ng Brgy. Cangrunaan sa siudad ng Batac.
Sa ngayon ay hindi pa malaman kung saan nakuha ng mga pasyente ang virus.
Kaugnay nito, naka-isolate si IN-C135, IN-C137 at IN-C138 habang nanatili sa ospital si IN-C136.