-- Advertisements --
image 43

Pinawalang bisa ng Office of the President ang kaso laban sa dating mga board members ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na iniugnay sa nabigong importasyon ng 300,000 metrikong tonelada ng asukal noong Agosto ng nakalipas na taon.

Kabilang sa mga inabswelto sina dating Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, Administrator Hermenegildo Serafica ng SRA board, at board members na sina Roland Beltran at Aurelio Gerardo Valderrama Jr. na parehong kinasuhan ng grave misconduct, grave dishonesty at “conduct prejudicial to the best of the service” at nauna ng nagbitiw sa kanilang posisyon.

Sa 10 pahinang desisyon na nilagdaan ni Executive Secretary lucas Bersamin na may otorisa mula sa Pangulong Marcos, pinayuhan ng Office of the President ang respondents na maging maingat sa paggampan ng kanilang mga tungkulin.

Ito ay matapos na mabatid na pagkakaalam umano ng mga respondents ay awtorisado sila na mag-isyu ng Sugar Order dahil sa miscommunication na nag-ugat sa memorandum mula kay dating Executive Secretary Victor Rodriguez na may petsang Hulyo 15, 2022 na naggagarantiya ng authority kay dating Agriculture USec. Sebastian para lumagda ng kontrata at iba pang dokumento may kinalaman sa operasyon ng Department of Agriculture (DA).

Napag-alaman din na walang malinaw at matibay na ebidensiya na nagpapakita na ang mga respondents ay nakagawa ng anumang misconduct.