Mula sa 2,921 kahapon, bahagyang bumaba sa 2,113 ngayong araw ng Linggo ang bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) sa bansa.

Sa tala ng Department of Health (DOH) kaninang alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 576,352 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.

-- Advertisement --

Ang nasabing oras ay halos kasabay lang ng pagdating sa Pilipinas ng unang bakuna kontra COVID-19, kung saan sa Villamor Air Base lumapag ang eroplano.

Nakapagtala naman ng 9,418 na bagong recoveries kung saan nasa 534,271 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.

Nasa 12,318 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong Linggo ng 29.