-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY-Sasampahan ng kaso ng mga otoridad ang kapitan at mga tripolante ng MV King Evaristo na unang dumaong sa coastal road, Barangay Lapasan dito sa lungsod.

Kinilala ni Cagayan de Oro City Police Office spokesperson Maj Evan Viñas ang kapitan ng barko na si Ernesto Culanag at mga tripolante na sina Ivem Stephen Verde Vigo, Rexfield S Llorico, taga Capiz; Madison S Santos, taga Pampanga, John Harold Fabilio at Ranniel Gala Alvaro, residente ng Caloocan City.

Sinabi ni Major Viñas na galing Siargao ang barko na kukuha sana ng mga semento sa Oro port.

Bumaba ang mga ito sa barko para sana kumuha ng tubig at LPG ngunit hindi nagpaalam sa Philippine Coast Guard at mga opisyal ng Barangay.

Sinabi ni Brgy Lapasan Kapitan Julito Ogsimer na kailangang makipag-ugnayan sa kanila ang mga taong aapak sa kanilang teritoryo na galing sa ibang lugar upang masigurong wala itong dalang sakit.