-- Advertisements --
ballot box House

Inaasahang lalo pang bibilis ang ginagawang canvassing ng joint session ng Kongreso makaraang tiyakin ng mga legal counsels ng mga presidential candidates na wala na silang objections pa.

Partikular na agaw pansin ang deklarasyon sa plenaryo ng Kamara ng kilalang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal at abogado ni Vice-Presidente Leni Robredo na wala na rin silang pagtutol pa sa lahat ng mga certificates of canvass (COCs) na bibilangin.

Ayon kay Macalintal, una na raw kasing nanawagan si Robredo na dapat tanggapin na ang desisyon ng mayorya ng mga botante kung sino ang kanilang ipinanalo.

Maging ang mga appearance ng mga abogado ng ibang pang karibal ni presumptive President Ferdinand Marcos Jr. ay nag-waive na rin ng appearance sa joint congressional canvassing para mapabilis pa lalo ang proseso.

Para sa kanila, basta lamang daw lahat ng mga COCs ay “authentic and duly executed” batay na rin sa batas ng Section 20 ng Republic Act 7166.

Kaugnay nito, ikinalugod naman ni Atty. Vic Rodriguez, spokesperson ni Marcos, ang desisyon ng kampo ni Robredo na ‘wag ng mag-object pa sa lahat ng mga COCs.

Bago ito sa panayam ng Bombo Radyo kay House Secretary General Mark Mendoza, posible raw silang makapagproklama na ng presidente at bise-presidente sa Miyerkules o kaya sa Huwebes dahil gagawing 24-oras ang canvassing.