ILOILO CITY – Ipagdadasal na lang ng maybahay ni dating Iloio City Mayor Jed Patrick Mabilog si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kasunod ng muli na namang pagbanggit ng pangulo sa kanyang mister na isa sa mga opisyal na sinibak sa tungkulin dahil sa umano’y katiwalian

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mrs. Mabilog, sinabi nito na tahimik na ang kanilang buhay sa ibang bansa at ayaw na niyang patulan pa ang pangulo na tinawag niyang baliw.

Samantala, nilinaw naman ng dating Iloilo City First Lady na fake account ang twitter na may username na @JedMabilog na bumabato ng maaanghang na salita laban sa pangulo.