Daren Espanto
Darren Espanto/ IG post

Walang balak ang kampo ni Darren Espanto na iurong ang kasong cyber libel na isinampa laban sa kapwa young singer na si JK Labajo.

Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, sa ngayon ay walang posibilidad na makipag-settle sila.

“At the moment, there is no possibility of settlement,” ani Kapunan.

Ugat ng nasabing kaso ay matapos umanong tawagin ni JK bilang “bakla” si Darren noong October 2018.

Depensa naman ng 18-year-old singer na na-hack ang kanyang Twitter account, bagay na hindi pinaniniwalaan ng kampo ng 17-anyos na si Darren.

Nabatid na ang ina ni Darren na si Marinel Gonzales-Cruz ang nagsampa ng kaso dahil minor pa si Darren.