Tahasang inakusahan ni Oriental Mindoro Rep. Salvador Leachon nang paghihiganti ang kampo ni Housse Speaker Alan Peter Cayetano kasunod nang pagpapatalsik kay 1-Pacman partylist Rep. Michael Romero bilang deputy speakers.
Ayon kay Leachon, nakakababa umano para sa Kongreso at mga kongresista ang ginawang pagtanggal kay Romero sa kaniyang pwesto.
Senyales aniya ito na naghihiganti ang grupo ni Cayetano dahil sa suportang ipinapakita ng ilang mambabatas kay Lord Allan Velsaco bilang susunod na house speaker.
Dagdag pa ng mambabatas, anng naturang hakbang din ay patunay lamang kung ano ang tunay na kulay ng kasalukuyang liderato sa Kamara dahil kaalyado ni Velasco si Romero.
Mas lalo rin daw lalawak ang hidwaan ng mga mambabatas dahil sila mismo ang lumalabag sa kasunduan na walang aalisin sa mga committee chairmanships base sa pagkakaiba ng political affiliations.
Tila nilapastangan din umano ni Cayetano ang Tanggapan ng Malacañang nba siyang namuno para isaayos ang pagtatalaga ng liderato sa Kamara.
Magugunita na nagbotohan kahapon ang mga mambabatas para tanggalin si Romero bilang deputy speaker kasabay nang mainit na gawan sa pagitan nina Cayetano at Velasco sa speakership post.
Si Romero ay kilalang supporter ni Velasco maging ng “gentleman’s agreement” kung saan nakatakdang bakantehin ni Cayetano ang pagiging house speaker ng Kongreso upang pangasiwaan ni Velasco ngayong buwan.