-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng PNP na nananatili pa ring matagumpay ang kampanya nila kontra sa ililgal na droga.

Ito ay kahit na napapalibutan ng iba’t-ibang kontrobersiya gaya ng ‘ninja’ cops.

Sinabi ni NP chief of the directorial staff, Major Gen. Guillermo Eleazar, na sa tatlong taon na kampanya kontra iligal na droga ay napababa ang bilang ng iligal na droga na nagresulta sa maraming mga pagkakaaresto sa mga drug users.

Kapag wala aniya ang kampanya sa iligal na droga ay hindi na mabibigyan pa ng pangalawang pagkakataon ang mga drug surrenderers.