-- Advertisements --

Nabuhayan ng loob ang House of Representatives matapos ihayag ng Senado na sisimulan na nila ang pagtalakay sa Resolution of Both Houses no. 6 sa susunod na Linggo.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez kanilang ikinalugod ang panibagong development na inanunsiyo mismo ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nagpapakita ng isang united legislative front sa pagtugon sa mga pagbabago para sa hinaharap ng bansa.

Dagdag pa ni Speaker, hudyat na rin ito sa pagsisimula sa matagal ng hinihintay na constitutional amendments.

Binigyang-diin ng lider ng Kamara na kaniyang aabangan ang magiging resulta ng mga deliberasyon ng Senado.

Ang pag-amyenda sa 1987 Constitution ay potensyal na pagluwag sa ilang mga mahigpit na probisyon sa Saligang Batas.

Siniguro naman ni Romualdez na nakahanda ang Kamara na makipag collaborate at mag contribute ng mga makabuluhang legislative endeavor.

Aniya iisa ang kanilang adhikain, matiyak na ang anumang amyenda na gagawin sa konstitusyon ay magsisibling pinakahusay na interest ng sambayanang Pilipino.

Siniguro din ni Speaker sa mga senador na handa ang Kamara na umaksiyon at aprubahan ang mga pagbabagong ipapasok ng Senado sa Konstitusyon.

Pinuri naman ni Speaker si Senate President Zubiri sa kaniyang pamumuno sa kanilang pagsisimula na talakayin ng RBH no 6 na layong amyendahan ang Saligang Batas.