-- Advertisements --

Sa botong 284, 4 hindi pabor, 4 abstain inaprubahan na ng House of Representatives ngayong Miyerkules sa third and final reading ang panukalang batas na naglalayong i-revoked ang legislative franchise na iginawad sa Swara Sug Media Corporation, na nag-ooperate sa Sonshine Media Network International (SMNI).

Ang House Bill (HB) No. 9710 ay epektibong nagpapawalang-bisa sa Republic Act (RA) No. 11422, na nagpalawig sa prangkisa na ipinagkaloob sa Suara Sug sa ilalim ng RA 8122 ng karagdagang 25 taon noong Agosto 2019.

Ang pagpapawalang-bisa sa prangkisa ng SMNI ay bunsod ng serye ng mga di-umano’y paglabag, kabilang ang pagkalat ng pekeng balita, pagkakasangkot sa red-tagging, at paggawa ng mga malalaking paglabag sa korporasyon.

Matapos ang isinagawang anim na pagdinig sa loob ng limang buwan, simula nuong November 2023, napagdesisyunan ng komite lumabag ang SMNI sa kanilang franchise grant.

Nag-ugat ang pagdinig sa ginawang alegasyon ng SMNI hosts na gumastos si Speaker Romualdez ng P1.8 billion sa kaniyang biyahe abroad sa loob ng isang taon.

Mariin naman itong pinasinungalingan ng House officials, batay sa datos nasa P39.6 million ang travel expenses mula January hanggang October 2023, kung saan nasa P4.3 million ang na disburse ng Office of the Speaker.