-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB), na maaaring nakaabot na sa bahagi ng Metro Manila, Calabarzon at Mimaropa ang makapal na usok mula sa nagaganap na wildfire sa Indonesia.

Ayon sa nasabing ahensiya na mayroong 10 lugar sa National Capital Region ang itinuturing na “very unhealthy”.

Habang ang Parañaque City ay itinuturing bilang “acutely unhealthy”.

Ang mga lugar kung saan nasa ilalim ng “very unhealthy” ang kalidad ng hangin na may 150-200 Air Quality Index (AQI) ay kinabibilangan ng Quezon City, Malabon, Makati City,Mandaluyong, Marikina, Manila,Pasay, Muntinlupa, San Juan City, Taguig at Valenzuela City.

Patuloy ang ginagawang monitoring DENR EMB sa kalidad ng hangin sa nasabing mga lugar.

Unang naglabas ng “Air Quality Advisory” ang Quezon City Government sa publiko na magsuot ng face mask ang mga nasa vulnerable sector dahil sa masamang epekto ng makapal na usok.