CAGAYAN DE ORO CITY – Pahirapan ang survivability ng maraming mga Pinoy na kabilang sa lumalaban sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa Espanya.
Ito ay matapos mabilis ang paglobo ng mga taong apektado ng virus kung saan nagtala na ng 4,365 katao ang nasawi mula sa 57,786 kabuang nahawaan ng sakit simula nang mapasok ang Espanya.
Iniulat ni Bombo Radyo international correspondent Angel Reyes na nakabase sa Barcelona City na hindi umano inaabutan ng anumang tulong ang maraming Pinoy workers mula sa Filipino officials na nakabase sa Espanya at hanggang paalala lamang ang naggagawa para sa kanila.
Inihayag ni Reyes na nasa 1/4 hanggang kalahati na bilang ng Filipino community ng Espanya ang hirap sa buhay dahil walang ipinaabot na tulong ang Spanish government kaya napilitan sila na gumagamit sa kanilang sariling mga ipon.
Katunayan,hindi rin pinalapit ang ilang Filipino workers at ipinatira sa ibang bahay dahil ayaw ng kanilang mga amo na mahahawaan ang mga ito ng bayrus.
Bagamat tanging isang Pinoy pa lamang ang napaulat na nahawaan ng mga sintoma ng bayrus at hinihintay nila ang ulat kung kabilang pa ito sa nag-positibo na iniulat kada-araw ng state media sa kabisera ng Madrid, Spain.