
Nagbabala ang Bureau of Animal Industry (BAI) sa posibleng kakulangan ng suplay ng baboy sa bansa dahil sa pagkalat ng African swine fever na matagal problema sa local hog industry.
Sa unang bahagi ng buwan ng Marso, nasa tatlong barangay sa Carcar city, Cebu ang inilagay sa ilalim ng state of calamity dahil sa mga napaulat na kaso ng due ASF kung saan nasa humigit kumulang P300,000 ang nawalang kita mula sa isang hog raiser.
Habang nasa P100 billion naman sa Luzon ang nawala kung saan ilang mga magsasaka ang nagdesisyong pansamantalang tumigil sa pag-aalaga ng baboy at ang mga nagtitinda naman ng karneng baboy ay nagbenta nang ibang mga produktong karne
Sa parte naman ng Department of Agriculture (DA), sinabi nitong hahanap sila ng paraan upang maibsan ang epekto ng ASF sa lokal na industriya.
Base sa latest data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), lumalabas tumaas ang produksiyon ng baboy ng 3.4% sa huling quarter ng 2022 subalit ang buong agriculture sector ay nakapagtala ng full-year drop sa produksiyon na ikatlong sunod na taon ng mababa.