Nagpasya si Kai Sotto na hindi na sumama sa kaniyang koponan Ignite sa NBA G League.

Ayon ka NBA G League President Shareef Abdur-Rahim, na personal na desisyon ni Sotto ang nasabing hindi pagsali sa koponan.

Isa rin aniyang hamon para kay Sotto para sumali sa kopona ay ang kasalukuyang International travel restrictions , health and safety protocols bukod pa sa pagsasailalim sa quarantine.

Magiging bahagi pa rin aniya si Sotto bilang extended family member ng Ignite at hangad ni Abdur-Rahim ang tagumpay nito na makapaglaro sa NBA.

Magugunitang nagtungo sa US ang 7 foot 3 na si Sotto noong nakaraang mga linggo matapos na hindi natuloy ang 2021 FIBA Asia Cup qualifiers kung saan isa siya sana sa napiling maglaro.

-- Advertisement --

Sa kasalukuyan kasi ay mayroong record na limang panalo at tatlong talo ang koponang Ignite kung saan kasama niya rito ang Filipino-American na si Jalen Green.