-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nakikipag-ugnayan ngayon ang Department of Agricuture (DA 12) sa mga kompanya, institutions at concerned inviduals para sa pagpapalawak ng kanilang kadiwa community pantry sa iba pang lugar sa rehiyon.

Sa katunayan ayon kay DA-12 Regional Executiver Director Arlan Mangelen, may nangako nang magdonate sa nasabing community pantry.

Sinabi ni Mangelen na ang mga ito ay magiging katuwang ng DA sa pagdadala ng mga food supplies at iba pang pangunahing pangangailangan sa mga mamamayan na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Mangelen inilunsad nila ang Kadiwa community pantry sa Koronadal at Kidapawan noong nakaraang linggo at ipinagpatuloy sa Tulunan, North Cotabato.

Sinabi ni Mangelen na katuwang ng DA sa paglunsad ng kanilang community pantry ang mga lokal na pamahalaan, magsasaka at mangingisda.

Ito ay bilang tugon naman sa hamon ni Agriculture Secretry William Dar.

Inihayag din nito na ang DA 12 ay bumili din ng mga produkto ng mga local farmers para malagay sa kanilang community pantry.