CENTRAL MINDANAO-Nakapagtala muli ang bayan ng Kabacan Cotabato ng panibagong suspected case ng Coronavirus Disease (Covid 19) pandemic.
Sa apat kung saan tatlo rito ay cleared ay nadagdagan na naman ng isang suspected case kung kaya nasa dalawang suspected case na ang naitatala sa bayan.
Ang isa sa dalawang suspected case ng Covid 19 ay nakapag swab test na at inaantay na lang ang resulta.
Kaugnay nito, abot na sa 387 ay cleared na sa bayan (352-VisMin, 35-Davao Region) habang nasa 146 (99-VisMin, 47-Davao Region) naman ang nasa strict monitoring sa tulong na rin ng mga BHERT.
Sa datos ng Kabacan Municipal Epidemiology Surveillance Unit, ang naturang panibagong suspected case ay isang senior citizen at may sakit na UTI.
Sinabi ni Incident Commander for Covid-19 at MHO head Dr Sofronio Edu Jr nasa strict monitoring ang nasabing suspected case at naka home quarantine ito batay na rin sa protocol at guidelines ng Department of Health (DOH).
Hinimok din nito ang bawat isa na huwag mangamba at laging mag-iingat kontra Covid 19..
Nanindigan si Dr Edu na konrolado parin ng LGU-Kabacan sa pamumuno ni Mayor Herlo Guzman Jr ang pangyayari.