justin
Justin Timberlake/ IG post

Umaapaw sa tuwa ang sikat na singers na si Missy Elliot at Justin Timberlake nang sila’y magtapos ng kanilang Doctoral degree in Music sa prestihisyosong Berklee College of Music sa Massachusetts.

Sa post ng 38-year old Grammy award winning singer na si Timberlake sa Instagram, tuwang-tuwa nitong sinasabi na isa na siyang doctor, “No Dream is too big!!! Keep chasing!!! Trust me…I’m a DOCTOR!! But, for real…THANK YOU to @berkleecollege for this incredible honor – I’m very humbled and grateful.”.

Missy
IG post

Ganun din si Elliot sa kaniyang Instagram account. “CREATE YOUR OWN LANE!!!! Sincerely Dr. MISSY ELLIOT”

Kasama din ng dalawang artist ang composer ng mga kanta sa pelikulang “The Greatest Showman” na si Alex Lacamoire.

Maliban sa kanilang pagtatapos, gagawaran rin sina Timberlake at Elliot ngayong June 13 ng Songwriters Hall of Fame at sila’y magiging inductees at mapapabilang na sa organisasyon.