Lalo pang matatagalan ang pagtatapos ng kaso ng pagkawala ni Bien Unido, Bohol Mayor Gisela Bendong-Boniel, makaraang umatras sa paghawak ng parricide case ang huwes.

Ngayong araw kasi ay nag-inhibit sa kaso si Lapu-Lapu City Regional Trial Court (RTC) Branch 54 Presiding Judge Ferdinand Collantes.

-- Advertisement --

Pangunahing akusado sa kaso ang mismong asawa ng alkalde na si dating Bohol Board Member Niño Rey Boniel.

Magugunitang Hunyo 2017 nang mawala si Mayor Gisela at ilang testigo ang nagsabing huli itong nakita sa isang resort at nakipagtalo pa sa mister nito.

Gayunman, mariing itinatanggi ng kampo ni Board Member Boniel ang kinalaman sa pagkawala ng kaniyang asawa.