-- Advertisements --

Maituturing na umanong alarming ng Bohol Provincial Health Office ang bagong naitalang kaso ng Human Immunodefficiency Virus sa lalawigan ng Bohol.

Sa pagtatanong ng Star FM Cebu, inihayag ni Maria Alda Ligason, miyembro ng HIV and AIDS core Team na nakapagtala umano ang kanilang tanggapan ng 17 bagong kaso ng HIV mula Enero hanggang Marso ngayong taon.

Ang mga ito pa ay naipasa sa pamamagitan ng male-to-male sexual contact.

Binigyan diin pa ni Ligason na ang HIV ay nangangailangan ng panghabang-buhay na gamutan dahil sa mga komplikasyon na posibleng maidulot ng naturang sakit.

Dagdag pa aniya na ang mga indibidwal na may “risky behavior” at alam na nagsagawa ng pagtatalik sa iba’t-ibang kasarian ngunit nag negatibo sa isinagawang test, bibigyan pa rin ang mga ito ng Pre-Exposure Prophylaxis (PrEP).

Paglilinaw pa na kahit pa man negatibo ang resulta, ay sasailalim pa rin ang mga ito sa iba’t-ibang laboratory tests gaya na lamang Pre-Test at Post-Test counselling.

Samantala, sinisikap naman ng kanilang tanggapan na mas paigtingin pa ang pagbigay ng kamalayan sa mga kabataan tungkol sa seryosong epekto ng virus

Hinikayat naman nito ang publiko na huwag mahiyang magpa-test sa mga testing hub upang masuri agad ang kalagayan at mabigyan ng karampatang lunas ang nasabing virus.