-- Advertisements --
Labis ang kasiyahan ng dating actor na si Victor Neri dahil sa pagtatapos niya ng law degree sa University of Bohol.
Sa kaniyang social media ay ibinahagi ng 49-anyos na actor ang mga larawan na kuha sa kaniyang pagtatapos.
Nagtapos din siya ng Culinary Arts sa Le Cordon Bleu sa Bangkok, Thailand.
Sumailalim din siya ng traning sa Philippine Coast Guard bilang explosive ordinance disposal technician.
Naging emplyedo siya ng Bureau of Immigration bilang officer sa Figutive Search Unit.
Sinabi nito na hindi siya nagsasawang maghanap ng mga bagong hamon.
Huling gumawa ito ng pelikula ay noong 2000 at kasama rin itong 1999 Hollywood filma “Broken Palace”.
Nagbalik ito sa acting noong 2014 sa isang soap opera.