Lumikha ngayon ng Mpox task force ang Pamahalaang panlalawigan ng Bohol katuwang ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno para palakasin pa ang mga paghahanda laban sa Monkeypox.
Magtatalaga din ng hotline number na maaaring tawagan ng publiko at iulat kapag may nagpapakita ng sintomas ng sakit na tanging inilaan para sa mga tawag kaugnay sa monkeypox.
Sa naging katanungan ng Star Fm Cebu kay kay Dr. Fruserma Mary Uy, pinuno ng Bohol Provincial Health Office, ibinunyag nitong wala pang naitalang kaso sa lalawigan.
Ngunit nang malaman pang may mga kaso sa karatig na isla particular sa Cebu, agad silang kumilos at pinaalalahanan ang lahat ng health facilities na paigtingin at palakasin ang detection at reporting.
Aniya, ito’y upang mas madali itong mapangasiwaan kung may nagpapakita ng mga sintomas na mala-mpox.
Binigyang-diin pa ni Fruserma ang kahalagahan ng konsultasyon upang pangasiwaan ang paggamot, isolation at pag-iwas sa pagkalat sa ibang mga indibidwal.
Nakatakda naming magpulong ang technical working group sa Lunes, Hunyo 2, upang bumuo ng mga polisiya.
Bukod dito ay para tukuyin ang bawat tungkulin ng iba’t ibang ahensya para sakaling may positibong kumpirmadong kaso ay nakalatag na ang paghahanda at mga precautionary measures.