-- Advertisements --

MG5204

Pinangunahan ng Philippine Navy sa Central Visayas ang isinagawang joint search and recovery operation sa bumagsak na MG-520 attack helicopter.

Ang mga tauhan ng BRP Abraham Campo (PC396) at Naval Special Operations Unit – 5 sa pakikipagtulungan sa mga personnel ng 5th Strike Wing ng Philippine Air Force at Coast Guard Sub-Station Getafe sa karagatan ng Jandayan Island, Getafe, Bohol.

MG 5201

Sa nasabing helicopter crash, patay ang pilot-in-command na si Capt. Aurelios Olano habang naka-survived sa aksidente ang co-pilot nito na si 1Lt. Hillary Bunao at ang dalawang crew na sina A1C Rex Anapio at A1C Bonn Arsola na kasalukuyang nasa stable condition.

Ayon sa Naval Forces Central, isang well-studied plan ang kanilang binuo para marekober ang bumagsako na attack helicopter.

Idineploy ng Navy ang kanilang PC396 Rubber Hull Inflatable Boat (RHIB) kung saan sakay ang mga tauhan ng NAVSOU5, PAF at Civilian Divers at dito nagsagawa sila ng underwater search and investigation. Matapos makumpirma ang lokasyon ng bumagsak na helicopter, isang civilian crane ang ginamit para maiangat ang bumagsak na MG520 attack helicopter.

MG5203

Ang BRP Abraham Campo ang siya namang nag transport sa narekober na bumagsak na helicopter mula Bohol patungong Captain Veloso Pier, Naval Base Rafael Ramos, Lapu-Lapu City at saka tinurn over sa Tactical Operations Wing – Central, PAF.

Sa kabilang dako, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Philippine Air Force (PAF) kaugnay sa nangyaring helicopter crash.

Nailibing na rin ang bangkay ni Capt. Olano kahapon.