-- Advertisements --
Pastor Joel Apolinario
KAPA founder Pastor Joel Apolinario (video grab from Facebook live)

GENERAL SANTOS CITY – Nagpalabas na ng warrant of arrest ang Regional Trial Court (RTC) Branch 50 sa General Santos para hulihin ang founder ng Kabus Padatuon (KAPA) pati asawa nito at anim na mga kasama sa pagpatakbo sa investment scam na humakot ng milyon-milyong salapi sa mga biktima na investor.

Lumabas ang warrant of Arrest nina Apolinario at mga kasama para noong Hulyo 6, 2020 sa pamamagitan ni Judge Catherine Velasco sa kasong syndicated estafa at walang bail bond na nirekomenda.

Pinahuhuli rin si Reyna Apolinarion, Modie Dagala, Benigno Tipan Jr, Marnilyn Maturan, Ricky Taer, Juji Husay at Margie Danao.

Matatandaang unang nagpalabas ng warrant of arrest ang isang korte sa Misamiz Oriental laban sa grupo ni Apolinario sa kasong syndicated estafa.

Matatandaan maraming negosyo ang itinayo ng KAPA subalit marami na ang nagsara.