-- Advertisements --

Ikinokonsidera ng actress na si Jillian Ward na magsampa ng kaso laban sa mga nagpapakalat ng fake news laban sa kaniya.

May kaugnayan ito na mayroon itong sugar daddy at sugar daddy.

Lumabas din ang balita na iniuugnay siya kay dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

Maging ang pamilya ng actress ay nadamay kung saan ibinubugaw siya at nakikinabang umano ang mga ito.

Paglilinaw din ng actress na hindi pa niya personal nakikita at nakakasalamuha si Singson.

Kuwento ng actress na lumabas ang balitang mayroon itong sugar daddy noong 16-anyos ng makabili siya ng sports car na second hand.

Naapektuhan din ng nasabing isyu ang kaniyang career kung saan binalak niyang tumigil sa pag-aartista.

Inaalam pa rin ng actress ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng fake news laban sa kaniya.