-- Advertisements --
Personal na inimbitahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si America’s Got Talent 2025 winner Jessica Sanchez na magtanghal sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na ang host ay ang bansa sa susunod na taon.
Nagsagawa kasi ng courtesy call si Sanchez sa Malakanyang kung saan personal nitong nakaharap ang pangulo at First Lady Liza Marcos.
Labis naman na nasiyahan ang 30-anyos na si Sanchez matapos na piliin siya ng personal ng pangulo.
Nagbiro pa ang pangulo na kung maari ay tatayo itong maging manager at iminungkahi na magiging tourist guide ang First Lady para bisitahin ang magagandang lugar sa Pilipinas.
Nasa Pilipinas si Sanchez bilang isa sa mga magtatanghal sa New Year’s Countdown sa isang hotel sa Pasay City.















