-- Advertisements --

Tinambakan ng Utah Jazz ang Philadelphia Sixers, 120-85.

Nanguna sa diskarte ng Jazz si Bojan Bogdanovic na pumuntos ng 27 points kasama ang limang 3-pointers at anim na rebounds para umangat pa ang kanilang record sa 9-5.

Ang Fil-Am na si Jordan Clarkson ay nagpasok ng 20 points habang si Rudy Gobert ay nag-ambag ng 15 points, 17 rebounds at apat na blocks.

Ang Sixers ay nabitin pa sa 8-7 kartada kung saan hindi pa rin nakakalaro sina Joel Embiid at Matisse Thybulle dahil sa health and safety protocols.

Sa ibang game, tinalo naman ng Los Angeles Clippers ang San Antonio Spurs, 106-92.

Muli na namang pinangunahan ni Paul George ang Clippers gamit ang 34 points, 9 rebounds para sa kanilang 9-5 win-loss record.

Ang Spurs ay nabaon pa sa 4-10 ngayong bagong NBA season.