-- Advertisements --

Pinahiya ng Boston Celtics ang Los Angeles Lakers sa mismong teritoryo ng defending champion sa Staples Center, 121-113.

Namayagpag si Jaylen Brown sa opensa na may 40 points para iposte ng Celtics ang ika-limang sunod na panalo.

Nagmuntikan ang Boston (30-26) nang mawalis ng Lakers ang 27 point lead nila sa fourth quarter.

Sa kampo ng Lakers (34-22) nanguna si Horton-Tucker na nagpakita ng 19 points habang si Marc Gasol ay nagtapos sa season-high na 18.

Malas pa rin ang LA dahil sa hindi pa rin nakakalaro ang kanilang mga superstars na sina Anthony Davis, LeBron James, Andre Drummond at Markieff Morris.

Si Davis ay mula pa noong Feb. 14 nagsimulang hindi makalaro dahil sa injury.

Samantala, kapansin pansin naman na sa unang pagkakataon ay pinapasok ang mga fans sa arena na umaabot sa 1,915.