-- Advertisements --

Itinalaga bilang bagong chairman ng Senate Committee on Accounts si Senate Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na papalitan niya si Sen. Loren Legarda.

Sa ginanap na plenary session, ay iminungkahi ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri ang paghalal kay Lacson sa posisyon matapos na nagpaubaya si Legarda.

Agad naman na inaprubahan ni Senate President Tito Sotto ang mosyon matapos na walang senador na kumontra.

Ang nasabing posisyon ay siyang nangagngasiwa sa mga bagay na may kinalaman sa pag-audit at adjustments sa lahat ng mga accounts na kinukuha sa pondo para sa mga gastusin at aktibidad ng Senado.

Magugunitang sumang-ayon si Lacson sa plano na pag-aralan ang pagtatayo ng bagong Senate building sa Lungsod ng Taguig lalo na ikinakabahala dahil sa pagtaas ng presyo ng gastusin.