Nakatakdang bumisita sa bansa sa susunod na linggo si Japenese Prime Minister Shigeru Ishiba.
Ayon sa Presidential Communications Office, magsasagawa ng official visit sa Pilipinas si Ishiba mula April 29 hanggang 30.
Sa araw ng Martes, April 29,2025 magiging panauhin ng Pangulo at ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang Prime Minister at kanyang maybahay na si Yoshiko Ishiba.
Ayon sa Malakanyang, magpupulong sina Pang. Marcos at Prime Minister Ishiba para mas palalimin at paghusayin pa ang economic at development cooperation ng dalawang bansa.
Kabilang rin sa palalakasing kooperasyon ang may kinalaman sa pulitikal at depensa gayundin ang people-to-people exchanges.
Inaasahang magpapalitan ng pananaw ang dalawang lider sa regional at global developments, at tatalakayin ang mga bagong daan tungo sa kapayapaan at katatagan sa ilalim ng ‘Strengthened Strategic Partnership’ ng Pilipinas at Japan.
Huling nagkita sina Pang. Marcos at IShiba sa Vientiane, Lao People’s Democratic Republic sa sidelines ng ASEAN Summits nuong October 2024.