-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2022 FIBA Asia Cup matapos na tambakan sila ng Japan 102-81.

Hindi na pinaporma ng Japan ang national basketball team ng bansa para makakuha sana ng puwesto sa quarterfinals na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Sa simula pa lamang ay dominado na ng Japan ang laro kung saan hindi na pinalamang ang Pilipinas.

Umabot pa sa 28 points ang naging kalamangan ng Japan sa third quarter.

Nasayang naman ang nagawang 16 points ni Ray Parks, habang mayroong 15 points si Kiefer Ravena, samantalang nagpakita ng 10 points si Carl Tamayo na na-foul out sa last quarter.

Dahil dito, makakaharap ng Japan ang Australia sa quarterfinals.

Magugunitang huling natalo ang Gilas sa Japan noon pang 2010 Asian Games 60-58 at ito rin ang pinakamababang pagtatapos ng Pilipinas sa FIBA Asia Championship ng maging pang siyam na puwesto lamang sa 2007 na ginanap doon sa Japan.