-- Advertisements --

Iginiit ni Manila Rep. Bienvenido Abante na ang testimonya ni Ramil Madriaga ay nagpapakita ng posibleng paglipat ng pondo ng bayan na nakalampas sa karaniwang audit safeguards. 

Sinabi ni Abante, hindi ito maaaring balewalain at dapat masusing imbestigahan ng House Committee on Justice.

Binanggit ni Abante na kung totoo ang mga alegasyon, maaaring nagamit ang pondo ng gobyerno para sa pribadong distribusyon. 

Kinuwestiyon din ni Abante ang umano’y paggamit ng duffel bags at “car tire key drops” sa transaksyon, pati ang mabilis na paggastos ng P125 milyon ng Office of the Vice President sa loob ng 11 araw para sa mga “safehouse” na may mga pangalang kinukuwestiyon ng PSA.

“ Let’s be clear: we are not here to convict; we are here to determine a threshold,” pahayag ni Abante.

Kaugnay nito, sinabi ni Abante na ang tungkulin ng Kamara ay tukuyin kung may sapat na basehan upang ituloy ang proseso ng impeachment laban kay VP Sara Duterte at hindi agad maghatol ng kasalanan.

Dagdag pa niya, ang pagtatanong at pag-isyu ng subpoena ay bahagi ng transparency at pananagutan, hindi panggigipit. 

Aniya, ang kredibilidad ni Madriaga ay dapat suriin sa pagdinig, ngunit may legal siyang karapatang tumestigo.

Nilinaw din ni Abante na wala siyang personal na galit sa Bise Presidente, ang kaniyang hakbang ay nais niya managot ang dapat managot.

“Transparency is not persecution. Questions are not convictions. And accountability is not harassment-it is the lifeblood of afunctioning democracy,” pahayag ni Abante.