Ipinahayag ni U.S. President Donald Trump na mahalagang maunawaan ng Pope na ang Iran ay isang “global threat” at hindi dapat payagang magkaroon ng nuclear weapon.
Binigyang-diin ni Trump na kung makakakuha ng nuclear capability ang Iran, malalagay sa panganib ang buong mundo.
Ang pahayag ay kasunod ng mga kritisismo ng Santo Papa laban sa U.S.-Israeli war sa Iran na tinawag niyang “madness of war.”
Ayon kay Trump, bagama’t malaya ang Pope na magsalita, dapat nitong isaalang-alang ang mas malaking panganib na dulot ng Iran.
Samantala, nagpapatuloy ang tensyon sa Middle East matapos ang mga pag-atake ng U.S. at Israel laban sa Iran at ang mga ganti ng Iran sa Israel at Gulf states.
Libo-libong katao na ang nasawi at milyun-milyon ang nawalan ng tirahan dahil sa mga bakbakan. Sa kabila ng pahayag ni Trump, nanindigan ang Pope na patuloy siyang magsasalita laban sa digmaan.















