-- Advertisements --

Dismayado ang grupo binubuo ng mga nasa sektor ng transportasyon kabilang mga tsuper ng jeep at operator sa inaprubahan ng pangulo na programa sa gitna ng krisis sa gasolina.

Kinuwestyon ni Orlando Marquez, ang lider ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas o LTOP ang ilulunsad na ‘fuel subsidy’ ng pamahalaan para sa mga ‘PUVs’ o Public Utility Vehicles’.

Simula kasi sa ika-15 ng kasalukuyang buwan ng Abril ay magkakaroon ng P10-diskwento ang mga tsuper sa kada litro ng gasolina sa kanilang pagpasada.

Subalit giit ni Orlando Marquez na ito’y kulang na kulang at hindi sapat para sa kanilang pangangailangan lalo pa’t malaki ang itinaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Hinaing aniya raw nila kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pagbawi nito sa pag-apruba ng taas-pasahe sa mga pampublikong jeep.

Kung kaya’t ipinaglalaban at panawagan ng grupo na pagbigyan ang hiling na taasan ng miski piso ang pamasahe sapagkat ang 50-piso na krudo ay ngayo’y umabot na sa doble ang presyo.

Dahil rito’y hindi maiwasang ibahagi ni Marquez ang kanyang saloobin sa pangulo nang ito’y magbibigay ng 10-piso diswkento kontra sa 100-piso kada litrong gasolina.

Naniniwala kasi aniya siya na ang piso itataas sa pasahe ay katumbas na ang pambili ng karagdagang bigas at pagkain na maiuuwi para sa kani-kanilang pamilya.