Nagbigay ng isang matapang na pahayag si Pope Leo XIV na nagpapaalala na ang pananampalataya ay hindi dapat gamitin bilang kasangkapan para sa kapangyarihan o digmaan, kundi para sa kapayapaan.
Binatikos ng Santo Papa ang mga pinuno na ginagamit ang relihiyon upang bigyang-katwiran ang karahasan.
Binigyang-diin ng pontiff na ang pananampalataya ay dapat maging tulay para sa kapayapaan at hindi kailanman dapat maging kasangkapan sa pagdomina o paghahasik ng karahasan.
Ayon sa American Pope, ang tunay na kapayapaan ay hindi ipinipilit sa pamamagitan ng lakas o dahas, kundi sa pamamagitan ng diyalogo at pagkaunawaan.
Binalaan din niya na ang paggamit sa pangalan ng Diyos para sa pansariling politikal o militar na interes ay nagdadala lamang sa kadiliman at karumihan.
Binigyang-diin ni Pope Leo XIV na ang mga “peacemakers” o tagapagtaguyod ng kapayapaan ang pinagpala, hindi ang mga naghahasik ng gulo.
















