Reading Time: 1 minute
Kyoto fire
Kyoto Fire

Inilabas na ng Japanese police ang pagkakakilanlan ng naaresto nilang suspek na nasa likod ng panununog sa Kyoto Animation.

Si Shinji Aoba ay inaresto matapos na makita sa loob ng gusali na nagsisigaw bago isagawa ang pagsunog.

Ayon sa ilang mga nakasaksi na nagrereklamo si Aoba dahil ninakaw ng studio ang kaniyang ginawang nobela.

Magugunitang umabot sa 33 katao ang nasawi dahil sa insidente.

Nasa 70 katao ang nasa loob ng opisina ng mangyari ang insidente.