-- Advertisements --

Muling Pinatawan ng Sandiganbayan Special Third Division si Janet Lim Napoles ng reclusion perpetua o hanggang 80 taon na pagkakakulong.

Ito ay dahil sa kasong two counts of malversation of public funds na may kinalaman sa hindi makatarungang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Sa 165 pahinang desisyon ng Sandiganbayan ay napatunayan si Napoles at ilan na guilty sa malversation of public funds ng namayapang si Benguet Rep. Samuel Dangwa na nagkakahalaga ng P19-milyon.

Nakasaad sa batas na ang taong sangkot sa malversation of public funds ay maaaring patawan ng reclusion perpetua kung lumagpasa sa halagang P8.8-M ang nakulimbat.

Ang mga kaso naman kay Dangwa at tatlong iba pa ay ibinasura matapos ang kanilang kamatayan ayon sa desisyon na iniakda ni Associate Justice Ronald Moreno ang namumuno sa Special Third Division ng Sandiganbayan.