Kasalukuyang hinahagupit ang Jamaica ng Hurricane Melissa, ang itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.
Kung saan mayroon ng tatlong katao ang napaulat na nasawi sa naturang bansa sa Carribean gabi nitong Lunes, bago pa man ang inaasahang pag-landfall ng hurricane.
Nag-iwan din ang naturang hurricane ng apat na nasawi sa bansang Haiti at Dominican Republic.
Nagbabala na rin ang US-based National Hurricane Center sa mapanganib na malalakas na bugso ng hangin, baha at storm surge na inaasahang maranasan nitong gabi sa Jamaica at umaga ng Martes.
Ayon din sa ahensiya, posibleng maitala ang 40 inches ng ulan (100 centimeters) sa ilang parte ng Jamaica sa sunod na apat na araw.
Ang Hurricane Melissa ay isang category 5 storm, ang pinakamalakas na storm category, na may wind speeds na aabot ng hanggang 175 meters per hour. Lumalakas pa ito at inaasaang tumama sa Carribean Island umaga ng Martes, eastern time.
Nagbabala naman ang mga eksperto na ang mabagal na pagkilos ng hurricane ay nangangahulugan ng matagal na malakas na ulan sa ilang lugar, pagtaas ng banta ng nakakamatay na mga pagbaha at pagguho ng lupa.














