Covid coronavirus Italy OFW 1

Umabot sa 969 ang nasawi sa loob lamang ng isang araw sa Italy matapos dapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ito na ang pinakamataas na bilang na nasawi sa loob ng isang araw na naitala ng isang bansa mula ng kumalat ang virus.

Ayon sa Civil Protection Agency ng Italy na mayroon ng 9,134 ang namamatay bunsod ng deadly virus.

Aabot naman sa 86,498 ang kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.