Pumanaw na si Italian orienteering athlete na si Mattia Debertolis matapos mawalan ng malay sa World Games.
Ayon sa International World Games Association at International Orienteering Federation (IOF) natagpuang walang buhay ang 29-anyos habang ito ay nasa kalagitnaan ng middle-distance race sa orienteering competittion sa Chengdu, China nitong nakaraang Biyernes.
Dinala pa ito sa pagamutan subalit makalipas ang ilang araw nitong Martes, Agosto 12 ay pumanaw na ito.
Hindi naman na sila nagbigay ng ibang mga detalye ang pinakasanhi ng kamatayan ni Debertolis.
Bahagi siya ng Italian Orienteering Federation (FISO) team na lumalahok ngayon sa 2025 World Games.
Ang nasabing sports ay isang unahan ng makaabot sa finish l ine kung saan magtutungo ang mga manlalaro sa hindi kabisadong terrain gamit lamang ang mapa at compass.