-- Advertisements --

Nagpulong na sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at kanyang counterpart na si US Secretary of Defense Lloyd Austin sa pamamagitan ng telephone conference.

dnd1

Batay sa statement na inilabas ng defense department, pinag-usapan ng dalawang defense chiefs nitong Linggo ang isyu sa West Philippine Sea, ang Chinese intrusion sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas at ang sitwasyon sa nasabing rehiyon.

Tinalakay din ng dalawang opisyal ang pagsisimula muli ng Joint RP-US Balikatan Exercises ngayong taon na kinansela noong nakalipas na 2020 dahil sa pandemic.

Binigyang-diin ni Sec. Austin ang kahalagahan ng Visiting Forces Agreement (VFA) at dapat lamang daw itong ipagpapatuloy.

Siniguro naman ni Lorenzana, na kaniya itong itatalakay sa sandaling makapag-usap na sila muli ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil ito ang final approval.

Hiniling din ni Lorenzana ang tulong ni Austin para i-expedite ang delivery ng Moderna vaccines na inorder ng bansa.

Lloyd Austin
US Defense Sec. Lloyd Austin

Nangako naman si Austin na makikipag-ugnayan siya sa concerned agencies na siyang nakatutok dito.

Magugunita na dalawang beses ng na-extend ang VFA matapos nagdesisyon ang pangulo na ibasura ito.