-- Advertisements --

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kanilang tinalakay sa bilateral meeting ni Indonesian President Joko Widodo ang isyu sa West Philippine Sea at iba pang mga regional issues.

Palalakasin din ng dalawang bansa ang seguridad kabilang dito ang pinaigting na boarder patrol.

Sa joint press statement sinabi ni Pang. Marcos naging mabunga ang kanilang pag uusap ni Widodo na kapwa binigyang diin ng dalawang lider na kapwa sila nanindigan sa 1982  United Nations Convention on the Law of the Sea.

Ayon sa Pangulo ang Pilipinas at Indonesia ay kilalang malapit na kapitbahay at nagkasundo na ipagpatuloy ang kooperasyon sa pulitika at seguridad.

Binigyang diin ni Widodo na kanila din napagkasunduan ang pagpapabilis sa pag revised sa  border patrol agreements sa pagitan ng  Manila at Jakarta.