-- Advertisements --
Pinabulaanan ng Malacanang ang napabalitang pagbibitiw sa pwesto ni Executive Secretary Victor Rodriguez.
Sa pagtatanong kay Press Secretary Trixie Cruz Angeles, itinatanggi niya ang nasabing ulat wala naman daw ganung pinag-uusapan sa Palasyo.
Una nang lumitaw ang isyu na nag-ugat umano sa prosesong ginagawa ng tanggapan ni Rodriguez sa mga itinatalagang mga opisyal ng bawat ahensya.
Sinubukan ding kunan ng pahayag sa bagay na ito si ES Rodriguez, ngunit wala pa siyang anumang statement na inilalabas sa publiko.