Nagsimula na ang pagdinig sa kasong kurapsyon ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Ang 70-anyos na si Netanyahu ang siyang kauna-unahang lider ng bansa sa kasaysayan na nahaharap sa kaso.
Mariing pinabulaan naman ng Israeli Prime Minister ang alegasyon ang bribery, fraud at breach of trust.
Sa pagharap nito sa korte, sinabi nito na naintindihan niya mga kasong inirereklamo sa kaniya.
Itinakda naman sa Hulyo 19 ang susunod na pagdinig sa kaniya.
Ilan sa mga kasong kinakaharap nito ay ang pagtanggap ng regalo gaya ng mga mamahaling bote ng alak at sigarilyo mula sa mga malalaking negosyante kapalit ng pabor.
Inakusahan din siyang nag-alay ng tulong para maimprove ang circulation ng Israeli newspaper na Yediot Ahronot kapalit ang positibong coverage sa kaniya.
Isinulong umano nito ang regulatory decision para sa pagkontrol ng shareholders sa Bezeq telecom giants.