Tiniyak ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na maglulunsad sila ng “matinding paghihiganti” laban sa Hamas militant na naglunsad ng pag-atake sa Israel nitong Sabado.
“We will take mighty vengeance or this black day,” pahayag ni Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Sinalakay ng mga armadong lalaki mula sa Palestinian group na Hamas ang mga bayan ng Israel noong Sabado, na ikinamatay ng hindi bababa sa 250 katao at nakatakas kasama ang mga hostage na tinaguriang deadliest day of violence sa Israel mula noong Yom Kippur war 50 taon na ang nakakaraan.
Mahigit sa 230 Gazans din ang napatay nang rumisponde ang Israel sa pagsisimula ng kanilang retaliatory strikes.
” I say to Hamas: You are responsible for their well-being. Israel will settle accounts with anyone who harms one hair on their heads,” pahayag ni Prime Minister Netanyahu.
Inihayag pa ni Netanyahu,” Hamas launched a cruel and wicked war. We will win this war but the price is too heavy to bear. Hamas wants to murder us all. This is an enemy that murders mothers and children in their homes, in their beds. An enemy that abducts elderly, children, teenage girls,” dagdag pa ni Netanyahu.
Sinabi ni Netanyahu na nakipag-usap siya kay US President Joe Biden at sa iba pang mga pinuno ng mundo upang matiyak ang kalayaan sa pagkilos para sa Israel sa pagpapatuloy ng kampanya. Nagpapasalamat si Netanyahu kay Pangulong Biden para sa kanyang malakas at malinaw na mga salita. Pinasasalamatan din nito Pangulo ng France, ang Punong Ministro ng Great Britain at maraming iba pang mga pinuno para sa kanilang walang pasubali na suporta para sa Israel.
” I now appeal to all citizens of Israel. We stand together in this campaign. This war will take time. It will be difficult. Challenging days are ahead of us. However, I can promise one thing: With the help of G-d, the forces that we all have in common and our faith in the Eternal One of Israel, we will win,” pahayag ni Prime Minister Netanyahu.
Sa kabilang dako, sinabi naman ng Hamas leader na si Ismail Haniyeh na ang pag-atake na nagsimula sa Gaza ay kakalat sa West Bank at Jerusalem.
Sa ngayon, nagsimula na ang retaliatory attacks ng Israeli forces laban sa Hamas militants.