-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Muling isinailalim sa nationwide lockdown ang Israel kasabay ng pagdiriwang ng Jewish New Year.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Anna Arizala, adviser ng Associations of Bicolanos sa Isarael, nilalayon nito na maiwasan ang pakakaroon ng malawakang pagtitipong ng mga tao.

Patuloy kasi ang paglobo ng kaso ng coronavirus disease sa bansa.

Magiging epektibo ang lockdown mula Septyembre 18 hanggang Oktubre 9 na magtatagal ng tatlong linggo.

Nilinaw rin ng Israel government na hindi naman kakanselahin ang naturang selebrasyon kundi papayagan lamang na ipagdiwang sa laog ng kanya-kanyang bahay.

Sa tradisyunal kasi na pagdiriwang ng naturang aktibidad nagsasagawa ng malawakang pagtitipon ang iba’t ibang mga religious groups.

Samanta, magiging limitado rin ang galaw ng mga tao at operasyon ng mga pubic at private sectors oras na umiral na ang lockdown.