-- Advertisements --

Napaslang ng US military ang senior ISIS leader na si Dhiya’ Zawba Muslih al-Hardani sa ikinasang raid sa Al Bab, Syria nitong araw ng Biyernes, Hulyo 25.

Dalawa din sa kaniyang ISIS-affiliated sons na sina Abdallah Dhiya al-Hardani at Abd al-Rahman Dhiya Zawba al-Hardani ang nakitil sa operasyon.

Ayon sa US Central Command (Centcom) forces, banta ang naturang mga miyembro at lider ng ISIS sa US at Coalition Forces gayundin sa bagong gobyerno ng Syria.

Nilinaw naman ng US military na ang tatlong kababaihan at 3 bata na target ay hindi nasaktan sa operasyon.

Inihayag naman ni US Centcom Gen. Michael Erik Kurilla na ipagpapatuloy nila ang pagtugis sa mga teroristang ISIS saan mang lugar nagtatago ang mga ito.

Isinagawa ang naturang raid ilang linggo lamang matapos sabihin ng Trump administration na pinapawalang bisa na nito ang paguuri sa Hay’at Tahrir al-Sham (HTS) bilang foreign terrorist organization. Ang naturang grupo ay pinamunuan noon ng interim president ng Syria.

Ikinasa din ang raid matapos lagdaan ni US President Donald Trump ang isang executive order na opisyal nang nagtatapos sa sanctions ng US sa Syria.